Chinese, nalunod sa swimming competition

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LAOAG CITY – Patay matapos malunod ang isang Chinese na sumali sa swimming competition sa isang beach resort sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Kinilala ng Pagudpud Police ang biktimang si Tan Lian Guang, na taga-People’s Republic of China.

Ayon sa pulisya, kabilang ang biktima sa 150 Chinese na sumali sa swimming competition na unang isinagawa sa Subli-Subli Beach sa Currimao nitong Disyembre 9, ngunit itinuloy ang swimming competition sa municipal beach resort sa bayan ng Pagudpud.

Inatake umano sa puso ang dayuhan hanggang sa nalunod ito. (Wilfredo Berganio)