5-buwang sanggol, hinalay ng amain

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isang 39-anyos na lalaking walang trabaho sa umano’y pagmolestiya sa limang-buwang babae na anak ng kanyang kinakasama sa Zone 1, Culianan, sa siyudad na ito.

Dinakip si Rolly Tapic y Desaka.

Ayon sa paunang imbestigasyon, pinapalitan ng live-in partner ni Tapic ng diaper ang sanggol nang mapuna niyang may problema sa ari ng anak, dakong 10:00 ng gabi nitong Disyembre 8.

Agad na dinala ng ginang ang anak sa Zamboanga City Medical Center para ipasuri at natukoy ng doktor na positibo ang sanggol sa bahagyang pagkapunit ng ari nito, na namamaga rin.

Mabilis na iniulat ng ginang ang insidente sa Culianan Police, at agad na inaresto ng pulisya, sa pangunguna ni Senior Insp. Elmer Solon, ang suspek. (Nonoy E. Lacson)