2 humoldap sa Indian, arestado

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

GENERAL TRIAS, Cavite – Arestado ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang humoldap sa isang Indian, na may negosyong pagpapautang, sa Barangay Pasong Kawayan, sa bayang ito.

Kinilala ni PO3 Fruelan Mendeja Manic ang mga naaresto na sina Rey Gonzales Cordial, 28; at Cesar Gipit Fortun, 44; kapwa ng Grans Riverside, Barangay Camachile I, General Trias.

Naaresto kahapon ang dalawa sa hot pursuit operation ng isang police team.

Nabawi umano sa mga suspek ang cash na pinaniniwalaang tinangay sa biktima at isang Armscor .45 caliber pistol na ginamit sa krimen.

Tumanggi namang pangalanan ng pulisya ang pinatay na 32-anyos na Indian dahil sa isyu ng seguridad ng mga kaanak nito. (Anthony Giron)