MAPAGBIGAY: TANDA NG TUNAY NA KRISTIYANO

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

Ilang taon na ang nakalipas, may isang graduate mula isang Katolikong paaralan ang naimbitahan ng Catholic organization. Siya ay tinanong: “Anu-ano ang mahahalagang Gawain para tumibay ang relasyon mo sa Diyos?”

Walang kakurap-kurap niyang sinagot na, “Pagsisimbva tuwing Linggo at ang pagtanggap ng Banal na Komunyon.”

Well, ilan lamang ito sa mga kailangang gawin ng bawat Katoliko at hinihiling na ang KBL Christians (Kasal, Binyag, Libing) ay natutupad ang kanilang “Sunday obligation.” Ngunit hindi ito sapat.

Kung ang binibigyang halaga sa relihiyon mo ang pagdalo ng misa, pagdadasal ng mga kinabisadong panalangin, hindi ito sapat.

Tayo ay hinihimok ni John the Baptist, isang dominant figure ngayong panahon ng Adbiyento, sa gospel ngayong ikatlong Linggo na ang ating pananalig ay hindi lamang hanggang sa salita kundi kailangan din ay isinasagawa. For “the unproductive tree is cut down and thrown in the fire” (Lk 3,9).

Sa konkretong salita, sabi niya, “Ang taong may dalawang damit ay dapat magbahagi sa wala, at ang mga may pagkain ay mamigay.”

Ang mga naniningil ng buwis: “Huwag mangil ng sobra sa nakatakda.” Sa mga sundalo: “Wag mangikil; mang-api, magbintang. Makuntento sa inyong kinikita” (read Lk 3,11).

* * *

May isang mayaman, ngunit makasarili, isang matandang lalaki na itinatago an gang kanyang yaman sa isang tagong chest sa kanyang bodega. Gabi-gabi, nang matutulog na siya, aakyat siya sa bodega at dahan-dahang binubuksan ang kanyang kayamanan at hindi nagsasawang pagmasdan ang kanyang salapi. Naging ritwal na n’ya ang ganitong gawain.

Ngunit isang umaga, lumbas siya sa kalye at nagsisigaw dahilan upang lumabas ang kanyang mga kapit-bahay para malaman kung anong nangyayari. Nang marinig nila ang tungkol sa pagnanakaw, isa sa kanyang mga kapit-bahay ang nagsabi, “Sabi mo wala kang ibang ginagawa kundi buksan at pagmasdan ang iyong kayamanan. Sa kasong iyan, walang silbi at saysay ang pera sa’yo at kanino man. Kung kaya’t mas makabubuti na tingnan mo na lamang na walang laman ang iyong lagayan ng pera gabi-gabi.” (Fr. Bel San Luis, SVD)