NEW YORK (AFP) – Pumanaw si Bonnie Lou, singer mula sa US Midwest na unang babaeng nakapag-rock, siya ay 91.
Ang singer, na nakatira sa Cincinnati nursing home ay na-stroke, at pumanaw noong Martes, kinumpirma ng kanyang asawa sa isang online fan site.
Ipinanganak bilang, Mary Joan Kath, lumaki ang singer sa 80-acre (32-ektaryang) farm sa central Illinois, kung saan natuto siya mag-yodeling sa tulong ng kanyang Swiss grandmother.
“It came naturally,” sabi niya sa panayam noon ng central Illinois newspaper na The Pantagraph.
“I used to go out in the evening and call the cows in by yodeling, and they would come in,” kuwento niya.
Ngunit natuto rin siyang tumugtog ng violin at binilhan siya ng kanyang ama ng mumurahing gitara.
Nang siya’y magdalaga, nagsimula siyang kumanta sa Illinois radio, at hindi nagtagal unti-unti siyang nakilala.
Kinilala sa entablado bilang Bonnie Lou, nagkaroon siya ng maraming hits kabilang na ang “Tennessee Wig Walk.”
Ngunit pagsapit ng 1950s lumipat siya sa rockabilly.
Naging hit nationwide noong 1955 ang kanyang “Daddy-O,” at isa sa mga unang babae na naging global sensation.
“No, I didn’t realize it was part of the rock ‘n’ roll revolution,” pahayag niya saThe Pantagraph.
Namatay ang kanyang unang asawa sa car accident noong 1964. Muli siyang nagpakasal sa Cincinnati furniture store owner na so Milton Okum, at nagkaroon ng dalawang magic show.