Suspek sa pagpatay sa ina ni Pastillas Girl

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Hawak na ng Caloocan Police ang anim na pangalan na posibleng maging susi para malutas ang kasong pagpatay sa ina ni Angelica Yap o mas kilala bilang Pastillas Girl.

Hindi muna naglabas ng composite sketch ang mga suspek ang pulisya upang hindi mabulabog ang kanilang isinasagawang follow-up operation, ayon kay P/ Sr. Supt. Bartolome Bustamante.

Magugunita na binaril ng hindi pa nakikilalang gunman si Maria Theresa Hernandez, 43, ng Bgy. 127, Caloocan City, noong Linggo ng gabi, habang kumakain sa isang ihaw-ihaw sa Barangay 131. (Orly L. Barcala)