La Bonne bar sa Paris, muling binuksan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

PARIS, France (AFP) – Halos isang buwan matapos ang pag-atake, muling binuksan ang isang bar sa Paris na lima ang napatay ang mga teroristang nagpaulan ng bala sa mga kostumer noong Nobyembre 13.

Muling binuksan sa publiko kahapon ang La Bonne Biere kasabay ng pagsikat ng araw at binuksan ng mga unang kostumer ang pintuan at pumasok na parang walang nangyari.

Matatandaang 130 katao ang nasawi sa magkakasabay na pamamaril at pambobomba ng Islamic State (IS) sa magkakahiwalay na lugar sa Paris noong Nobyembre 13.