Ronda, “too busy” kaya natalo ni Holm

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Nang kuminang ang pangalan ni UFC superstar sa mundo combat sports noong siya ang kasalukuyang UFC bantamweight champion, siya ay sikat na at kinikilala na bilang isang “public figure.”

Ang kasikatan ang nagdala kay “Rowy” sa kanyang bagong kinatatayuan, makaraang imbitahan ito sa iba’t-ibang talk show, book tours at magazine covers, maliban pa rito ang kanyang ibang obligasyon sa mga Hollywood film makers.

Noong nakalipas na taon, may ginanapang role si Rousey sa “The Expendables 3,” kasama ang malalaki at sikat na pangalan sa showbiz katulad ni Sylvester Stallone, Jason Statham at Mel Gibson.

Nitong taon na ito, si Rousey ay nakalabas sa dalawang pelikula: ang ikapitong bahagi ng “Fast & Furious” franchise, at ang silver screen rendition ng HBO hit series na “Entourage.” Nakatakda rin itong gumawa ng dalawa pang pelikula:

ang remake ng 1989 classic “Road House,” at and drama film ni director Graham Rolan na “Mile 22.”

Sa loob ng ilang panahon, si Rousey ay namuhay ng abal, kapwa bilang kampeon ng UFC at bilang isang global cultural superstar. At para kay UFC Octagon announcer Bruce Buffer, isa ito sa ilang pangunahing dahilan kung bakit nabigong talunin ni Rousey si Holly Holm sa UFC 193.

“Ronda fought three times this year, if I’m not mistaken, made two movies, booked for two more, did more publicity in the last four or five months since her book was released — which is still number one on the charts — than most major movie stars releasing motion pictures,” Ang pahayag ni Buffer sa TMZ. “This girl didn’t have a full plate, this girl had a full table. I think it would affect anybody because you are not focusing on the job at hand as much as you would if that’s all you had to focus on.”

Gayunman, naniniwala si Buffer na sa kakaibang galing ni Rousey, ginagarantiya nito na muli itong babalik at lalaban.

“She, again, is an amazing talent so I don’t question her, I support her and I think she is going to come back like an incredible beast,” ang patuloy na pahayag ni Buffer. “I’m sure that if Ronda could take time off, go to the gym and train for three months for a fight with Holly Holm with absolutely no distractions, I don’t even want to imagine the Ronda Rousey we’re going to see come out. Again, we are talking top of the food chain, Olympic, amazing athlete.” (Abs-Cbn Sports)