Mayweather, gustong manood ng laban nina ‘El Chocolatito’ at Rigondeaux

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

Mayweather, Pacquiao

Nagpakita ng interes na mapanuod ng live ni retired boxing world champion Floyd Mayweather Jr., ang paglalaban nina Nicaraguan Roman “El Chocolatito” Gonzalez at Cuban Guillermo Rigondeaux.

Sa pahayagang El Pueblo Presidente, na opisyal na pahayagan ng Nicaragua, inihayag ng dating kampeon na si Mayweather na nakipagkita siya noong Lunes kay Gonzalez sa isang shopping center sa Las Vegas, Nevada.

Binati ng dating world champion si Gonzales sa galing na ipinakita nito sa ring at inamin nito na hindi pa niya nakikitang nakipaglaban si Gonzales ng aktuwal.

Ipinahayag ni Mayweather kay Gonzales na si Rigondeaux ang perpektong kalaban nito sa ring.

“I would like to see the fight between ‘El Chocolatito’ and Rigondeaux in the Bantamweight category (115-118 pounds or 52.2-53.5 kilograms). I believe it would be a good fight,” ang sabi ni Mayweather.

Si “El Chocolatito” ay palapit na sa sa rekord na 49 undefeated fights na nairekord ni Rocky Marciano at ni Mayweather.

Kapwa wala pang talo sina “El Chocolatito” at Rigondeaux. Si Rigondeaux ay mayroon ng 16 fights habang si Gonzales ay may rekord na 44 panalo, 38 dito ay pawang knockout. (PNA)