ONE: Spirit of Champions card, kumpleto na

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Kumpleto na ang fight card para sa idaraos na ONE: Spirit of Champions mixed martial arts championships na nakatakdang idaos sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Disyembre 11 na tatampukan ng showdown sa pagitan nina Brandon “The Truth” Vera at Chi Lewis “Chopper” Parry.

Ito ang inihayag ng ONE Championships, ang itinuturing na pinakamalaking sports media property sa Asia.

Bukod sa kanilang main event, ang inaugural ONE Heavyweight World Championship, tampok din sa event ang limang mga bout na kinabibilangan ng magkapatid na Angela at Christian Lee ng Singapore.

Haharapin ni Angela si Lena Tkhorevska ng Poland habang haharapin ng kanyang kapatid na si Christian sa kauna-unahan nitong professional MMA debut si David Meak ng Australia.

Kabilang din sa card ang mga Filipino fighter na sina Geje “Gravity” Eustaquio at Eugene Toquero na makatutunggaling sina Yang Jian Bing at Wu Zen g China, ayon sa pagkakasunod.

Nagbabalik naman sa aksiyon si Bruno Pucci sa kanyang pagsagupa kay Indonesia-based Dutch fighter, Anthony Engelen.

“Manila has always been one of our favourite cities because the support for ONE Championship and MMA is tremendous.

We have prepared an amazing lineup of fights for our passionate Filipino fans who are eager to witness our unique brand of world-class MMA. These five additional bouts are guaranteed to satisfy fans hungry for action as we hold nothing back in our spectacular return to the heart of the Philippines,” ayon kay ONE Championship CEO Victor Cui.

Samantala, sa mga nagnanais na manood sa event, makakabili na ngayon ng tiket sa www.smtickets.com. (Marivic Awitan)