Kagawad na nakapatay sa jeepney dispatcher, sumuko

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Kusang sumuko ang isang barangay kagawad matapos niyang pagtatagain at mapatay ang isang jeepney dispatcher makaraan silang magtalo sa gitna ng inuman sa Barangay 12, San Nicolas, Ilocos Norte, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Norlito Badua, kagawad ng Bgy. 10, San Nicolas, Ilocos Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Orlando Tolentino, 60, ng Bgy. 12, San Nicolas. (Freddie G. Lazaro)