Lalaki, sinaksak dahil sa ulam

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Namatay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang live-in partner nang magtalo sila dahil lamang sa ulam, nitong Lunes ng hapon sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si Alejandro Calza, 25, ng Phase 9, Block 68, Package 6, Lot 27, Barangay 176 ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak sa katawan. Mabilis namang tumakas ang kinakasama nitong si Glenda Villanueva-Domingo, 33.

Ayon sa report ni SPO2 Allan Budios ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), 4:00 ng hapon sinundo ni Domingo si Calza sa kanilang kapitbahay habang nakikipag-inuman ito sa mga kaibigan. Pagdating sa kanilang bahay ay naghanap ng makakain ang biktima at nagmura nang walang inihaing ulam ang suspek. Sa galit ng babae ay kumuha ito ng kutsilyo at sinaksak ang kinakasama. (Orly L. Barcala)