Pampanga Foton, panalo kontra Mighty Bulsu, Manila NU-MFT

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Tinalo ng Pampanga Foton ang Malolos Mighty Bulsu at Manila NU-MFT para maangkin ang solong pamumuno sa Filsports Basketball Association sa Malolos Sports and Convention Center.

Humugot ng lakas ang Tornadoes mula kay Jerick Nakpil na umiskor ng 23-puntos para mapataob ang Mighty Bulsu, 100-92, bago sumandal kay Marvin Moraga na nagsalansan ng 19-puntos para magapi ang Mica-backed Bulldogs,74-70, at umangat sa barahang 4-0, panalo- talo.

Nakabawi naman ang Malolos sa kabiguang nalasap sa kamay ng Pampanga Foton sa pamamagitan ng 100-96 panalo kontra Marikina Wangs.

Nagtala si Ernest Reyes ng 34-puntos at 11 rebound para pamunuan ang panalo.

Sa isa pang laro, nagposte si Francis Abarcar ng game-best 24-puntos para pangunahan ang Quezon City UP Maroons sa 81-71, panalo laban sa Nic Belasco-led Pateros Austen Morris Associates. (MARIVIC AWITAN)