Pacquiao, umaasang muli siyang kakasahan ni Mayweather

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

Pacquiao_02_file phto_111015 copy

Hindi naniniwala si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na nagretiro na si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., na tumalo sa kanya sa puntos at naniniwala siya na magkakaroon sila ng rematch sa 2016.

Iginiit ni Pacquiao na gustong malapagpasan ni Mayweather ang perpektong rekord na 49 panalo ni dating undisputed heavyweight champion Rocky Marciano na napantayan niya nang talunin si Andre Berto ng Haiti nitong Setyempre at kakasa ito sa kanya sa kapwa nila pinal na laban bago magsipagretiro.

Tinalo ni Mayweather nitong Mayo sa Las Vegas, Nevada si Pacquiao sa puntos pero naging agresibo sa laban ang Pinoy boxer na napinsala ang kanang balikat sa 4th round.

“It’s possible — very much,” sabi ni CNN World Sport sa Abu Dhabi nang tanungin sa posibilidad ng rematch nila ni Mayweather. “I would love to have a rematch if he wants it.”

Wala ring bilib si Pacquiao na nagretiro na talaga si Mayweather lalo kung limpak-limpak na dolyar ang kikitain nito sa kanilang rematch.

“Of course we hear from him many times that he has retired. It’s not new for him,” Pacquiao said.

Kaugnay nito, binanatan ni Mayweather ang dati niyang boksingero na si WBA junior welterweight champion Adrien Broner.

“I just want to stand behind him, support him, and help get him to the next level.” But you saying, ‘F*** The Money Team?’ Well, what he don’t know, The Money Team is making 8 figures a year,” sabi ni Mayweather sa Fighthype.com.

“He just lost to Shawn Porter. He lose to Shawn Porter, then you fight for a world title right after that, for a vacant title; you and your opponent coming off losses,” dagdag ni Mayweather. “Instead of saying, ‘F*** The Money Team,’ he needs to be thanking The Money Team because at the end of the day, Al Haymon is a part of The Money Team.

He needs to be thanking The Money Team. Everything is under the same umbrella when it’s all said and done.”
(Gilbert Espena)