Cardinal Tagle, dumalo sa PSA forum

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Dumalo si Cardinal Luis Antonio Tagle sa forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kung saan ay isa siya sa mga naimbitahan bilang panauhing pandangal kasama si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia sa Shakey’s Malate, Manila kahapon.

Ang arsobispo ng Maynila ay dumating ng 10:30 ng umaga para sa public sports program at nakipag-talakayan tungkol sa I Run For integrity 2015, kasama si Mr. Henry Schumacher, vice-president ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP), mga opisyales ng League of Cities sa kalakhang bansa, Siemens at GMA 7.

Sa kabilang dako, tinalakay naman ni Garcia ang Spike for Peace Invitiational beach volleyball tournament kasama si PSC consultant on beach volleyball na si Eric Lecain.

Gayundin, napag-usapan sa radio program ng DZRH sports Radio 918 ang MILO Best Center at ang mga gaganaping event sa larangan ng ice hockey at figure skating na inilatag ng San Miguel beer, Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang representante mula sa Milo Center, ice hockey ay sina Francois Gautier at Carl Montano, samantalang ang figure skating naman ay sina Sofia Guidote at Jules Alpe ang naging representante.