Asam ang ikalawang puwesto, Beermen kontra Blackwater

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Mga laro ngayon
Philsports Arena
4:15 p.m. Meralco vs. Talk ‘N Text
7 p.m. Blackwater vs. San Miguel Beer

Gagawa ng puwersa ang defending champion San Miguel Beer sa pakikipagtuos nito sa Blackwater upang makabawi at umangat sa ikalawang puwesto sa gaganaping laro ngayong araw na ito ng 2016 PBA Philippine Cup sa Philsports Arena sa Pasig, City.

Naputol ng kanilang natamong 84-99 na kabiguan sa kamay ng Elasto Painters noong nakaraang Miyerkules ang nasimulang back-to-back win ng Beermen.

Kaya naman tiyak na wala itong nasa isip ngayon kundi ang makabawi at bumangon upang pumantay sa nagsosolo sa ikalawang puwestong Alaska Aces (3-1) at kumalas mula sa 3-way tie sa ikatlong posisyon kasalo ng NLEX at Globalport na gaya nila ay may hawak na barahang 2-1.

Samantala, dudugtungan naman ang naitalang unang panalo ng Talk ‘N Text matapos matalo nito ang Mahindra. Tatangkain ng Talk ‘N Text ang ikatlong puwesto sa pagsagupa nito sa sister squad Meralco na wala pang naipapanalo matapos ang dalawang laban.

Ayon kay Talk ‘N Text coach Jong UYichico, hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ang kanyang koponan na naging epekto ng kakulangan nila ng sapat na preparasyon dahil sa naiukol niyang panahon bilang assistant team ng Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA Asia Championships na natapat naman noong bago magsimula ang season.

“We’re not where we should be We are still groping, still a long way to go,” ani Uichico kasunod ng naitalang 101-97 panalo kontra Enforcers.” My absence, yung mga kulang, we struggle.”

Sa kabilang dako, galing sa dalawang sunod na pagkabigo, pinakahuli ang 90-92 upset sa kamay ng Blackwater Eliote, sisikapin ng Bolts na umiwas na mabaon sa ilalim ng team standings kung saan naroon ngayon ang Enforcers na may tatlo ng talo.

Samantala, sa nasabi namang panalo, ang kanilang kauna-unahan sa Philippine Cup magmula ng sumali sila sa liga noong isang taon’’ sisikapin itong gawing inspirasyon ng Blackwater sa pagsagupa nila sa Beermen.

“We’re still trying to be competitive in the PBA,” pahayag ni Elite coach Leo Isaac. “We’ve been there but still we can’t get a win. Our battle cry every game is we compete and we win, luckily we won.”

“I’m not saying that we can beat SMB, but with this win, kailangang-kailangan namin hopefully na ma-boost ang confidence and morale so we can be on the next level,” dagdag pa ni Isaac. (MARIVIC AWITAN)