School principal, patay sa pamamaril

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Nilikida ng mga hindi nakilalang suspek ang isang high school principal, na pinagbabaril nitong Sabado ng gabi sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Jolo Municipal Police, dakong 7:30 ng gabi nang mangyari ang krimen sa Barangay San Raymundo sa Jolo.

Kinilala ni Brig. General Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu (JTGS), ang biktimang si Edwin Saraji, 41, binata, ng Kakuyagan Village, Jolo, Sulu.

Nabatid sa pagsisiyasat na si Saraji ang kasalukuyang officer-in-charge principal ng Luuk National High School sa Jolo.

Nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa katawan at agad na namatay.

Ayon naman sa pulisya, naniniwala silang may kinalaman sa trabaho ni Saraji ang pagpatay dito.

Magkatulong na naglunsad ng hot pursuit operation ang pulisya at militar laban sa mga suspek sa Sulu. (Fer Taboy)