Gloria Romero, join na sa kalyeserye

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ALDUB WITH GLORIA AND LOLAS copy

ISANG pagsaludo sa Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero. Isang tunay na actress, wala pa kaming nabasa na may tinanggihang role — masama man or mabuti, magpatawa man o magpaiyak – si Tita Gloria. Sa December 1, Tita Gloria will turn 82 na, pero very active pa rin siya sa movies and TV shows, dahil ayaw niyang mag-stay na lamang sa bahay.

“Very generous naman sa akin ng GMA-7,” sabi niya sa isa naming interview sa kanya. “Tuwing may project sila sa akin, sila na mismo ang nagbibigay ng cut-off sa hours of taping ko sa kanila. Saka ini-enjoy ko lahat ng mga ginagawa ko.”

Kaya hindi tumanggi at siguradong nag-enjoy si Tita Gloria ngayong isama siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si Tiya Bebeng nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paulo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo), at lola rin ni Yaya Dub.

Nagpalakpakan ang audience sa Broadway studio nang pumasok ang character niya sa bahay. Ini-expect nila na gaganap ding lola si Tiya Bebeng, pero hindi nga bagamat tulad ng tatlong lola, napakaganda ni Tita Gloria sa kanyang red outfit at may hair accessories din.

Ipinakilala siya ni Nidora bilang Ilocana na nagkaasawa ng isang haciendero sa Cebu kaya masyadong makaluma at maraming bawal, lalo na kay Yaya Dub, na nakarating daw sa kanyang may nanliligaw na, kaya hinanap niya kung sino iyon.

Special day para sa AlDub at AlDub Nation noong Thursday, November 5, dahil 16th weeksary nina Alden at Yaya Dub.

Kaya dumating si Alden na may dalang red and pink roses at isang heart-shaped na may nakasulat na AlDub/MaineDen, at kumakanta ng paborito nilang song ni Yaya na God Gave Me You. Bakit daw tanghaling tapat nanghaharana siya at tinanong na agad kung ano ang trabaho ni Alden?

“Artista po,” sagot ni Alden. “Naku, di marami kang nililigawan, at palikero ka sa babae,” dugtong ni Tiya Bebeng.
Hindi raw dahil isang babae lamang ang gusto niya, si Yaya. Sinabi naman ng tatlong lola na mabait na bata si Alden.

Ano raw ba ang weeksary, napakaikli raw ng 16th weeksary dahil noong panahon nila mula 12 hanggang 15 taon bago sagutin ng isang babae ang manliligaw at hindi sila puwedeng maghawakan ng kamay hanggang hindi kasal. Kaya tanong niya kay Alden, handa ba siyang pakasalan si Yaya at kaya ba niyang buhayin ang apo nila?

“Opo, kayo po, Tiya Bebeng, handa po akong maghintay at gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat kay Yaya dahil maganda ang hangarin ko sa kanya.”

Hindi naman nakasagot si Yaya nang tanungin ni Tiya Bebeng kung mahal ba niya si Alden.

Lumuhod si Alden sa harap ni Tiya Bebeng at nakiusap na payagan silang sumali sa “Gaya-Gaya Pa More” sa Eat Bulaga ngayong Sabado. Ayaw sana ni Tiya Bebeng pero nang makiusap na rin si Yaya na payagan sila, lumambot ang puso niya at nagsabing: “Hay, ang pag-ibig talaga, sige, pumapayag na ako.”

Ewan lamang kung magtutuluy-tuloy ang character ni Tiya Bebeng, pero sa Twitter may tanong sila sa AlDub Nation kung gusto pa nila o ayaw na nilang umapir si Tiya Bebeng. Hintayin na lamang natin kung muling mapapanood ngayong tanghali sa Eat Bulaga si Ms. Gloria Romero. (NORA CALDERON)