Sam, aamin sa tamang panahon

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

sam 7 copy real

INIHARAP sa media si Sam Milby noong Miyerkules ng gabi sa Dong Juan Restaurant bilang leading man ni Julia Montes sa Doble Kara na napapanood sa Kapamilya Gold.

Sa ipinakitang video, inamin ni Julia na hindi pa niya nakakatrabaho ang Rockoustic Heartthrob pero matagal na silang magkakilala at nagkikita sa ASAP 20 at iba pang okasyon sa ABS-CBN.

At marami ang nakapansing malakas din pala ang chemistry nina Sam at Julia at hindi halatang 11 years ang agwat ng edad nila. Tulad ng nasulat namin, 31 (hindi 32) na si Sam at 20 naman si Julia pero hindi talaga halatang mas matanda ang aktor.

Posible bang ma-in love si Sam sa katulad ni Julia na malayo ang agwat sa edad niya?

“Yes, depende (for example), I’m 35 now and she’s 25 puwede for me, but if I’m 25 and she’s 15, it’s too young parang hindi naman puwede. It really depends on the person, like maturity, there’s good connection, love knows no boundaries even with age and that’s the truth, so puwede,” sagot ni Sam.

Magkaibigan sina Sam at Julia bagamat hindi naman sila ‘yung tipong nagte-text-an o madalas mag-usap.

Gagampanan ni Sam ang papel bilang seminarista sa Doble Kara at biglang hindi siya matutuloy maging ganap na Pari dahil na-in love siya kay Julia bilang sina Mara at Kara.

Pinangarap ba niyang maging pari noong bata pa siya?

“Hindi,” mabilis na sagot ng aktor.

So, mas pinangarap niyang maging artista kaya nga siya sumali sa Pinoy Big Brother 1st season.

“Hindi rin, maski noong nasa States pa ako kasi hindi naman ako nag-drama o nag-musical noong high school so wala akong experience sa drama. I’m more into sports, ice skating, wrestling, motocross, golf, hindi ko talaga naisip and for the fact na I have stage fright that’s why I didn’t expect,” kuwento ni Sam.

Kaya abut-abot ang pasasalamat niya sa manager niyang si Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management dahil ginagabayan siya at sa ABS-CBN sa tiwalang ibinibigay sa kanya at siyempre ang Dreamscape Entertainment.

Naging crush ni Sam si Julia noon, hanggang ngayon ay may paghanga pa rin ba siya sa dalaga na palagi na niyang makakasama sa taping ng Doble Kara?

Matagal na napaisip si Sam, para bang tinimbang kung paano sasabihin na hindi na.

“May paghanga pa rin ako sa kanya, I always find her beautiful. Well, I always find her beautiful definitely,” sagot ng aktor.

Kaya ba nawala na ang pagkakaroon ng crush o kilig ay dahil may Mari Jasmine na sa buhay niya?

“Ha?” tila nagulat na sabi ng binata.

Kinulit namin ang binata kung sino si Mari Jasmine sa buhay niya.

“Basta pagdating sa kung sinuman ang inspiration ko, ayoko pang i-share kasi masyado pang early, masyado pang maaga, I’d rather not talk about it,” paliwanag ni Sam.

Binanggit namin na may fans siya na nagbigay sa amin ng link sa social media account ng babaeng nagpapasaya sa kanya kasama ang naggagandahang mga litrato nito.

“Ah, baka assuming lang. Kung sinuman ‘yan, baka assuming lang,” pag-iwas ng aktor.

Binanggit naming hindi assuming dahil ang mismong mga supporter ang nagsabing pina-follow nila pareho sina Sam at Mari Jasmine sa social media accounts nila at nakikitang naka-link at nagko-comment daw sila sa post ng isa’t isa.

Hindi makasagot si Sam at panay ang pandidilat ng mata sa amin at saka sasabayan ng ngiti.

Ano na ang stage ng relasyon nila ni Mari Jasmine.

“Ha-ha-ha, like I said, kung sinuman ‘yung inspiration ko, I don’t want to share, it’s too early, ayaw ko pang i-share,” paulit-ulit na sagot ng aktor.

Ipinaalala namin na nabanggit niya sa nakaraang The Milby Way Concert presscon na, “I’m seeing someone now.”

“Pero in terms of who, what stage we are, wala, it’s too early,” muling sabi ni Sam.

Binanggit namin paano kung may lalabas ng litrato at pangalan ng babaeng inspirasyon niya, “ayoko rin, too early.”

Katwiran namin na sinulat na namin dahil ibinigay na ng fans ang link ng IG account ni Mari Jasmine.

“Well, that’s (opinion), maybe they wanna want to guess or anything who it is, that’s fine, basta hindi galing from my side, I’d rather not talk about it, as I’ve said, it’s too early, I don’t wanna share yet,” paliwanag mabuti ni Sam.

Pero kilala niya si Mari Jasmine?

“Ha-ha-ha, yes,” natawang sagot ng aktor.

Saan sila nagkakilala? Kilala ba ni Anne Curtis ang bagong inspirasyon niya since pareho silang Australian?

“Tanungin ninyo siya (Anne), I don’t know,” natatawa pa ring sagot ng aktor.

Binanggit namin kay Sam na Australian citizen pala si Mari Jasmine dahil Australian passport ang gamit niya.

“I-tweet n’yo na lang siya… ah, talaga, Australian pala siya,” kunwang nagtatakang sagot ni Samuel habang nakatitig sa amin.

Huling tanong namin kay Sam, kailan niya aaminin si Mari Jasmine?

“Sa tamang panahon and kasi it’s too early nga.”

Okay, fine! (REGGEE BONOAN)