Lady love ni Sam Milby, TV host din pala

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Mari Jasmine copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa girl na inspirasyon ngayon ni Sam Milby na si Mari Jasmine. Grabe, Bossing DMB, inulan ng mensahe ang accounts namin sa Twitter, Instagram at Facebook account tungkol sa pagkakakilanlan ng magandang dilag na ito.

Hindi namin sukat akalain na marami pala ang nag-aabang sa babaeng magpapasaya kay Samuel Lloyd at talagang botong-boto kay Mari Jasmine ang lahat ng nakausap namin.

Anyway, ang latest naming nalaman kahapon at ikinukorek namin ang aming nasulat three days ago na may lahing Filipino si Mari Jasmine, wala pala.

“Hey, just wanna confirm that Mari is Japanese-Australian, she is of no Filipino blood,” ayon sa nagkukuwentong kakilala si Mari Jasmine. “She went here three years ago and stayed eversince. She is really kind once you meet her, Sam is really lucky.”

Tinanong namin kung may planong pumasok sa showbiz si Mari Jasmine since gumagawa na siya ng TVC.

“I know nothing about her plans, by the way, she is a very private person,” sagot sa amin.

Sinabi naming, ‘hala, lagot, sinulat ko po today (kahapon) sa columns ko.’

“I think that is fine as long as there are no mentions of her personal life,” sabi naman sa amin.

At binanggit namin na fans ang nagpadala ng mismong IG account ni Mari Jasmine pati mga litrato ng dalaga.

“Ha-ha-ha, they are eager about the two (Sam at Mari Jasmine), also you might wanna watch Etcetera on ETC Channel tonight (kagabi) at 9 PM, Mari is one of the hosts there,” pahayag pa sa amin.

Hayan, nadagdagan pa ang impormasyong nalaman namin tungkol sa lucky girl, hindi lang pala siya print ad at commercial model kundi isa ring TV host.

Nag-usisa kami kung paano nagkakilala sina Sam at Mari.

“I don’t know about that one, I’m sorry. I think Sam told about it sa KrisTV interview with Enchong (Dee).”

Susme, nakatitiyak kaming may alam na si Kris Aquino sa identity ni Lucky Girl dahil knowing Tetay, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang information na gusto niya.

Kaya, Bossing DMB, ikaw naman ang mangulit kay Kris tungkol kay Mari Jasmine, he-he-he.

(Hmmm, dumadami ang natatamaan ng palaso ni Krissy, ah! –DMB) (REGGEE BONOAN)