Adobo, bagong negosyo ni Kris Bernal

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

kris at chlaui copy

ANG sweet ni Kris Bernal, namigay ng adobo sa mga kasama niya sa cast ng upcoming primetime series ng GMA-7 na Little Nanay na siya ang title role.

Sariling recipe at si Kris din yata ang nagluto ng adobo dahil sa post niya sa Instagram na, “Mano-mano! Nakakapagod siya. Ready to distribute these packages of adobo.”

Ang co-stars niya sa Little Nanay ang unang makakatikim sa adobo ni Kris na ginawa na rin niyang business kasama ang ilang mga kaibigan. Tinawag nilang Adobo Classic ang food business nila na food delivery pa lang yata. Wish ng friends ni Kris na magbukas na rin sila ng restaurant.

Sa November 16 ang pilot ng Little Nanay, gagampanan ni Kris ang role ng isang matured woman na may intellectual disability o ID pero nagkaanak. Big challenge kay Kris ang kanyang role lalo’t kasama niya sina Nora Aunor at Eddie Garcia at ilan pang mahuhusay na artista sa direksiyon ni Ricky Davao.

Si Chlaui Malayao ang gumaganap na anak ni Kris sa Little Nanay at sa mga napapanood naming teaser ng soap, bagay na mag-ina sina Kris at Chlaui.

Samantala, kapansin-pansin ang kakaibang saya at sigla ni Kris ngayon at hindi lang dahil sa bago niyang soap, kasama ring nagpapasigla sa aktres si Lucho Ayala, ang sinasabing bagong inspirasyon niya ngayon.
(NITZ MIRALLES)