Obrero, inatake sa puso habang nakikipagtalik

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nagmistulang namaalam sa kasintahan ang isang 51-anyos na construction worker matapos siyang atakehin sa puso matapos makipagtalik sa una sa isang motel sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima ni Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na si Antonio Corpuz, may asawa, at residente ng No.219 Boni Serrano Street, Murphy, Cubao.

Base sa pahayag kay PO2 Virgilio Mendoza ng kasintahan ng biktima, na itinago sa pangalong “Rose”, nag-check in sila ni Corpuz dakong 7:18 ng gabi kamakalawa sa Room 3 ng 8th Apartelle sa P. Tuazon sa Barangay Socorro.

Subalit nagising umano si Timanel dakong 3:30 ng umaga nang maramdaman na basang-basa sa ihi ang kama na kanilang hinihigan.

Dahil dito, ginising niya si Corpuz subalit hindi na umano ito kumikilos at agad siyang humingi ng saklolo sa mga room boy ng apartelle, na agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) sa biktima ay walang nakitang sugat na palatandaan ng foul play dito, na hinihinalang inatake sa puso. (JUN FABON)