Married actor, hunk actor at aktres, may naunsyaming one night stand

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

INAKALA namin noong una na tumigil na sa pambababae ang guwapong aktor nang mag-asawa na siya.

Nalaman kasi namin na tinukso niya, with a twist, ang aktres na pinagnanasahan pala niya. With a twist dahil may isa pang hunk actor na sangkot sa ating blind item ngayon.

Nakasama ng married na guwapong actor at hunk actor ang isang aktres sa isang out of the country show. Hindi siguro napigilan ng married actor ang sarili dahil very desirable pa rin ang aktres. Talaga naman kasing pinagpapantasyahan pa rin ng kalalakihan ang aktres.

Kuwento ng aming spy na kasama sa show, sa isang sosyal na hotel naka-check-in ang tatlong celebrity na pagkatapos ng event ay kanya-kanyang puntahan na sa kani-kaniyang kuwarto.

Dahil siguro mag-isa sa kuwarto at hindi pa dinadalaw ng antok si guwapong aktor ay tinext niya ang aktres ng, “hi _____ (aktres), I’m just here in my room.”

Pero mukhang dinedma siya ng aktres dahil nakatulog na’t lahat si Guwapong Aktor ay walang kumatok sa pinto niya.

Habang naghihintay ng flight pabalik ng Pilipinas ay nagkakuwentuhan sina married na guwapong aktor at hunk actor.

Nagkatanungan sila kung ano ang ginawa nila noong nagdaang gabi. Sabi ni Hunk Actor, “Wala, I just slept, gusto kong bumawi, bro. Pero may natanggap akong text from _____ (aktres) saying, ‘hi ____ (hunk actor), I’m just here in my room’ pero hindi ko pinatos, pagod ako.”

Nagulat sabay iling ang guwapong married actor sabay amin sa hunk actor na, “That’s what I texted her last night.”

Nagkatawanan daw ang dalawang aktor samantalang takang-taka naman si Aktres kung ano ang pinagtatawanan ng mga kasama niya.

Kabilin-bilinan sa amin ng taong kasama sa show na nagkuwento sa amin, “Don’t quote me, malalagot ako.”
“Oo naman, iba-blind na lang namin,” sagot namin.

Well, nakakaloka si Aktres, hindi pa rin pala nagbabago. Sabagay, single pa naman siya unlike sa guwapong actor na may asawa’t mga anak na. (Reggee Bonoan)