Kris, sinalubong ng reklamo ng OFWs sa ‘laglag-bala’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kris Aquino copy

KABABALIK lang ni Kris Aquino mula sa isang linggong bakasyon sa Hawaii kasama ang mga anak na sina Bimby at Josh. Masaya siyang bumalik ng bansa dahil na-relax siya, nakapag-bonding with her two sons at na-normalize ang blood pressure.

‘Kaso pagbalik niya, stress na agad ang sumalubong sa kanya dahil ipinadaan sa kanya ang reklamo ng mga OFW tungkol sa nangyayari sa NAIA na tinawag na laglag-bala at binibiktima ang mga kababayan at mga turistang sumasakay ng eroplano.

Kaya nag-post si Kris ng, “It’s Handled” at “I spoke to my brother… I love my brother. I support my brother. I trust my brother. I believe in my brother. And by tomorrow you can start looking for a new issue to bully me about.”

Ang next post ni Kris sa Instagram na, “You’re the last thing my heart expected” ay nagpangiti naman sa kanyang followers. Ang feeling nila, may bagong inspirasyon si Kris na nagbibigay ng kasiyahan sa kanya. Ang tanong, sino ang taong ito?

Samantala, magsisimula nang mag-shooting si Kris ng MMFF entry ng Star Cinema na All You Need Is Pag-ibig sa Huwebes hanggang Sabado. Matutuwa ang fans nila ni Derek Ramsay na matagal nang naghihintay na mapanood silang dalawa sa isang buong pelikula at sa MMFF pa. (NITZ MIRALLES)