FBA 3- game bill ngayon sa Malolos

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Mga laro ngayon
Malolos Sports Center
3:30 p.m.- Pampanga Foton vs Pateros Austen Morris Associates
5:30 p.m.- QC UP Maroons vs Marikina Wangs
7:30 p.m.- Manila NU-MFT vs Malolos Mighty Bulsu

Tatangkain pareho ng Manila National U-MFT at ng Marikina Wangs sang manguna sa pagsabak sa magkahiwalay na laban ngayon sa triple header ng FilSports Basketball Association’s Second Conference sa Malolos sports and Convention Center.

Maglalaban ang Manila National U-MFT at Malolos Mighty Bulsu sa tampok na laban ganap na 7:30 ng gabi habang makatutunggali naman ng Marikina Wangs ang QC-UP Maroons sa ikalawang laro ganap na 5:30 ng hapon.

Ang Mica Tan-backed Bulldogs ay pinangunahan ni dating San Beda player Francis Abarcar nang igupo nila ang First Conference champions Maroons, 64-55, habang ginapi naman ng Wangs Nic Belasco-led Pateros cagers, 86-70, para maagang mangibabaw.

Mauuna rito, magtutuos ang Pampanga Foton at Pateros Austen Morris Associates na maghahangad namang makabangon sa kani- kanilang opening day losses ganap na 3:30 ng hapon.

Makakasama ng mga koponan sina FBA President and CEO LJ Serrano, Commissioner and CFO Vince Hizon at bagong itinalagang Chief Operating Officer na si Claudia Perrine sa unang out of town game ng liga supprtado din ng Korgivit E at Titan. (MARIVIC AWITAN)