Briton, nanghipo ng 4 babae

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang Briton na inakusahan ng pambabastos sa apat na babae.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya at posibleng maharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Nicholas Rogerson, nasa hustong gulang, naninirahan sa 43J Trion Tower, Bonifacio Global City (BGC).

Pormal na naghain ng reklamo ang mga biktima na sina Guadalupe Maxima Diaz, dalaga, 21; Irish Ivy Gallo, 27, may asawa; Czaremma Burgos, 23, estudyante; at Alexis Nadine Bautista, 21, dalaga.

Dakong 6:30 ng umaga nang hipuan umano ng Briton ang apat na biktima habang kumakain sa loob ng isang fast food chain sa The Forum Building, kanto ng 7th Avenue at Federation Drive, BGC, Fort Bonifacio, Taguig City.
(Bella Gamotea)