AlDub, iinterbyuhin ni Rico Hizon para sa BBC News

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

Alden & Maine copy

KUNG matutuloy ang pinaplanong interview ni Mr. Rico Hizon ng BBC World News kina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub, muling mapapanood ang AlDub sa BBC News.

Darating sa bansa si Mr. Hizon para sa coverage sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na gaganapin mula November 17 to 24 at hahanapan niya ng oras na ma-interview ang AlDub love team.

Una nang napanood ang AlDub sa BBC News Asia sa feature na “AlDub: A Social Media Phenomenon About Love and Dubsmash.”

Bagong viewer lang ng kalyeserye ng Eat Bulaga si Mr. Hizon at agad nagustuhan ang kanyang napanood dahil “hilarious,” “funny,” at “romantic” daw with a great concept.

Nag-tweet si Mr. Hizon kay Daphne Oseña para ipaalam na natuwa siya sa napapanood. (Nitz Miralles)