Vilma, ‘very inspiring’ na katrabaho para kay Angel

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Vilma at Angel copy

NITONG October 29 nag-renew ng kontrata si Angel Locsin sa Kapamilya network. At bagamat nag-back out siya sa Darna project dahil sa kanyang back injury, sinabi ng aktres na sulit naman ang kapalit nito. Sa January na kasi ipalalabas ang pelikulang All Of My Life, na pagbibidahan nila ng kanyang future mother-in-law na si Gov. Vilma Santos-Recto, kasama si Xian Lim, bilang opening salvo ng Star Cinema sa 2016.

Sa panayam kay Angel after her contract renewal, binanggit niyang kasama niya sa pelikula ang kanyang “future-mother-in-law”.

“Ang aking future mother-in-law, ike-claim ko na po siya,” nakangiting sabi ni Angel.

“Nakakatuwa na naisipan ng Star Cinema na kami ‘yung opening salvo. Hindi basta-bastang posisyon ‘yun, so maraming salamat sa tiwala. Of course happy na ma-share ‘tong experience na ‘to, of course kay Tita Vilma. Ilang artista lang ba ang makakapagsabi na nakatrabaho na nila si Vilma Santos,” sey ni Angel.

Masarap daw katrabaho ang Star for All Seasons, ayon kay Angel.

“She’s amazing. Iba, ibang klase. Alam mo ‘yung pakiramdam ‘pag nasa set siya, parang laging piyesta. ‘Yung masaya ‘yung mga tao, looking forward, excited sa mga scenes na ginagawa namin. Laging may pagkain, laging siya ‘yung bangka sa kuwentuhan. Nakakatuwa na itong taong napaka-successful na, sobrang down to earth and nagbibigay lang talaga ng happiness sa mga tao. Nakakatuwa siyang kasama, very inspiring,” bida pa ni Angel sa kanyang future biyenan.

Sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, nakalatag na rin siyempre ang mga project na gagawin niya.

“Very happy dito sa contract signing, parang there’s more to come. Sabi ko nga may mga bagay tayong hindi naiintindihan. Pero simula na ito ng moving forward, and excited na akong harapin ang mga plano sa akin ng ABS-CBN itong 2016 and ‘17,” sey ng aktres.

Isa sa mga naipangakong trabaho kay Angel ay ang pagsasamahan nila ng Primetime Bida actor na si Coco Martin.

“I’m hoping na makagawa pa rin ako ng action serye o action na pelikula. And I’m excited to say na makakatrabaho ko si Coco na matagal ko nang inaawitan talaga. Akala ko imposible na siyang mangyari pero dahil ang ABS-CBN ngayon ay binigyan nila ako ng Coco Martin, so excited ako,” masaya niyang pagtatapos. (ADOR SALUTA)