Cavaliers, tinalo ang Miami Heat

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

Chris Bosh,Tristan Thompson

Nag-double effort talaga koponan ng Cleveland Cavaliers na talunin ang Miami Heat, 102-92, at hindi naman sila napahiya sa kanilang mga fan sa kanilang paglalaban noong nakaraang Sabado.

Si LeBron James ay nagtala ng 29 puntos, 5 rebounds at 4 na assists at hindi ito pumayag na talunin ng Heat na kung saan dati niya itong koponan.

Sa bagong season ng National Basketball Association (NBA), muli na namang pinatunayan ni LeBron ang kanyang galing sa bola at nabigo ang dati niyang teammate na si Dwayne Wade sa kanyang hamon na matatalo ito.

Close fight ang nagging laban at habulan ng puntos ng dalawang inaabangang koponan simula sa first hanggang fourth quarter.

Sa unang quarter, umarangkada na agad ang Cavaliers na may 29 puntos, habang ang Heat ay nagtala ng 23 puntos.

Sa second quarter, naka-ungos pa ng isang puntos ang Heat sa Cavaliers subalit muli itong nahabol ng huli at nalagpasan ang una sa puntos.

Hinabol ito ng Cavaliers sa ikatlong quarter na nagtapos sa iskor na 29-25.

Grabe ang performance at team work na ipinakita nina Kevin Love at James sa third quarter at tumulong si Love sa kanyang 24 puntos at 14 rebounds.

Sa panig ng Heat si Wade ay nagtala ng 25 points, 4 rebounds at tatlong assists. (ABS-CBN Sports)