Liza Soberano at Sofia Andres, pinagpipiliang bagong Darna

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Liza Soberano copy

SA pag-atras ni Angel Locsin sa Darna project, ayon sa source namin ay pinagpipilian kung sino kina Liza Soberano at Sofia Andres ang papasahan ng bato.

Kumalat sa ABS-CBN ELJ Building noong Martes na si Sofia raw ang isa sa mga napipisil ng management na gumanap bilang Darna, pero sitsit naman ng aming source ay si Liza na ang final choice.

Gusto namin si Sofia dahil mabait at magalang, hindi nga lang makatanda ng pangalan, pero hindi namin ito pinepersonal dahil maayos siyang kausap sa tuwing naiinterbyu namin at marunong din namang umarte.

Pero mas bagay kay Liza ang naturang role dahil perfect ang mukha at ang katawan lalo na siguro kapag naka-costume na.

Heto na, Bossing DMB, nag-survey kami kung sino ang babagay na gumanap bilang Ding at walang ibang choice kundi ang paborito naming si Onyok na sidekick ni Kardo sa Ang Probinsiyano.

Aprub na aprub nga kung si Onyok ang gaganap na Ding dahil sa kuwento ng Darna ay komedyante ang batang tagaabot ng ‘bato’ ni Darna.

Higit sa lahat, tiyak na hindi na mahihirapang idirek si Onyok dahil magaling umarte at mabilis magmemorya ng mga linya. ‘Yun nga lang, ipapahiram kaya ng Dreamscape Entertainment si Onyok, eh, balita namin mukhang indefinite ang extension ng Ang Probinsiyano nila ni Coco Martin at Arjo Atayde dahil gabi-gabi itong humahataw sa ratings game.

At isa pa, may balita kami na pagkatapos ng Ang Probinsiyano ay may kasunod agad na serye si Onyok.

Hay, naku!

Ang isa pang katanungan, Bossing DMB ay kung sino ang magiging leading man ni Liza sa Darna, pero, di ba si Enrique Gil ang ka-loveteam niya kaya may iba pa ba?

Kaya lang, papayag ba naman na support lang si Quen sa Darna na sa superheroine naman talaga nakatutok ang istorya.

Pero para hindi nakakasawa ang Darna project, bakit hindi sumubok ng ibang young actor?

Hintayin natin ang pahayag ng ABS-CBN management, Bossing DMB kung sino ang napiling Darna. Ikaw, sino ang gusto mo?

(Of course, Liza. Pero tama ka, mas magiging fresh – refreshing na serye ang uso ngayon — kasi may sawa factor na talaga si Enrique Gil. –DMB)