Kim Chiu, businesswoman na

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Louie albert marketing mgr, albert chua owner, kim chua copy

UNTI-UNTI nang natutupad ang pangarap ni Kim Chiu na maging businesswoman.

Bukod sa kanyang franchise businesses, partner pala siya ng ATC Healthcare na pag-aari ni Albert Chua at siya na rin ang kinuhang endorser ng FatOut na ayon sa aktres ay colon cleansing food supplement.

Kuwento ni Kim sa launching at contract signing niya sa ATC, “Business partner ako dito with a good cause. Kasi lahat ng proceeds ay mapupunta sa selected foundation ko and sa ATC Foundation. Pumayat ka na, nakatulong ka pa sa ibang tao.”

Ikalawang endorsement na ito ni Kim tungkol sa kalusugan.

“’Yung una ay parang campaign lang na Win Against Asthma at ito namang FatOut, supplement siya at talagang sinubukan ko at effective talaga, talagang seseksi ka,” nakangiting kuwento niya.

Sexy ba talaga ang tingin ni Kim sa sarili?

“Oo naman, sexy ako talaga. Oo naman, ganu’n talaga sagot. Ang sexy naman is not about the skin, ipinapakita mo, eh. It’s how you express yourself in a sexy way. Kung iisipin mong sexy ka, lalabas ‘yun.”

At dahil confident na si Kim sa kanyang sexy body, puwede na siyang tumanggap ng daring role.

“Depende po sa kung ano ang idudulot kong maganda, kung makaka-inspire po tayo sa ibang tao, depende sa tatanggapin nating role. Siyempre, TV personality tayo, maraming taong naglu-look up sa atin and siyempre may moral obligation tayo sa mga tao. Kung ‘yung kaseksihan mong ‘yun ay makaka-inspire sa mga tao, gagawin ko,” katwiran niya.

Kung matutuloy ang movie project nila ni Piolo Pascual at kailangan ng sexy scene, okay ba kay Kim?

“Isang sequence lang naman siguro ‘yun, so bakit naman hindi since ten years ko na next year (sa showbiz). Tingnan natin,” nakangiting sagot ng aktres.

Sabi ni Kim ay safe gamitin ang FatOut dahil isa itong Sweep and Shred Formula na lumilinis ng colon at nakakapagbawas ng taba sa katawan. (REGGEE BONOAN)

  • Nelia Sparks

    Totoo naman na maganda na ngayon ang body niya. Sana siya ang ang bagong Darna. It will be a perfect role for her.

  • Leria L Workman

    You right Kimmy so sexy I wish siya na ipalit kay Angel making Darna super bagay kay Kimmy. kasi ang galing niya mag ride ng horses an she tall so hot an so sexy body ne Kimmy..super bagay sa kanya ang DARNA MOVIE..FOR 2016 MOVIE WITH XIAN SUPERMAN SUPER KILIGNESS MAG LOVETEAM SA ISA PROJECT ACTION MOVIE FOR THE FIRST TIME FOR CHANGE. for KIMXI..Loveteam..
    .