Beauty Gonzales, umamin nang buntis sa pamamagitan ng Instagram account

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

beaty

KUNG noong unang lumabas ang isyu ay itinatago pa at hindi inaamin ng kanyang management ang pagbubuntis ni Beauty Gonzales, nitong nakaraang linggo ay walang takot siyang nag-pose at nagpakuha ng larawan na kitang-kita ang kanyang “interesting stage” at ipinost ito sa kanyang Instagram account.

Bagamat malaki na ang kanyang tummy, seksing-seksi si Beauty na naka-bikini sa naturang litrato.

Sa kanyang post, inihayag din niya ang gender ng magiging baby nila ng kanyang boyfriend na si Norman Crisologo.

“I’d like you all to meet our future baby girl!! I am the happiest girl in the world and also the luckiest to receive so much love and support from all of you. My little blueberry and I feel the love and positive vibes. Thank you. What a wonderful world it truly is,” mensahe ni Beauty. (ADOR SALUTA)