JM de Guzman, patuloy na sinusuportahan ng fans

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

JM copy

MUKHA namang masaya si JM de Guzman sa bago niyang haircut at heto nga at pinost pa niya sa Instagram (IG) at nilagyan niya ng caption na, “Ahhhhhhhhh. Haha:)”. Sinundan niya ito ng isa pang picture, pero abs lang ang ipinakita at ang caption naman ay, “Progress report.:) God is good.”

Sa dalawang bagong pictures na ipinost ni JM, mixed ang reactions ng followers niya. May natutuwa at may nanghihinayang kay JM, pero mas marami ang sumusuporta sa kanya at tsini-cheer siya na ipagpatuloy ang career.

Kung binabasa ni JM ang comments ng kanyang followers sa IG, siguro naman maaantig siya sa mga nag-comment ng, “Keep the faith and be strong.” “Smile… God loves you” at marami ang nagtatanong kung okey siya.

Hindi pa man sigurado kung totoo ang balitang puputulin ang partisipasyon ni JM sa ABS-CBN soap na All Of Me, nalulungkot ang kanyang fans. Nakakadagdag sa lungkot ng supporters ni JM na walang announcement ang network tungkol dito, hindi nila alam kung totoo ang balitang ito o tsika lang.

Pero kung natuloy, noong Sabado,October 17, ang pagbabalik-taping ni Albert Martinez para sa All Of Me at ang balita namin, hanggang sa ending na ng soap si Albert. Iisa ang karakter na ginagampanan nina Albert at JM sa nasabing soap at kung paniniwalaan ang mga naunang report, ibabalik si Albert at si JM ang mawawala. (Nitz Miralles)