Tsikang buntis si Jessy Mendiola, walang katotohanan

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

jessy copy

NAGULAT kami sa isa na namang tsikang nakarating sa amin na nasa interesting stage raw ngayon si Jessy Mendiola courtesy of JM de Guzman.

Kaya raw panay ang emote ng dalaga sa kanyang Instagram post dahil nga sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon lalo’t may problema rin sila ng nakahiwalay na boyfriend bagamat nanatiling magkaibigan pa rin.

Kaagad naming tinanong ang handler ni Jessy na si Allan Real ng Star Magic at mabilis niyang itinanggi ang balita.

“Nope, it’s not true, hindi pa nakarating sa amin ang balita, saan naman nanggaling ‘yan?” sabi sa amin ng handler ng aktres. “Wrong info, I don’t think so.”

Mukhang malabo ngang mabuntis si Jessy na aware namang kailangan niyang harapin ang maraming projects niya.

Kasama siya sa seryeng You’re My Home with JC de Vera, katatapos lang ng pelikula sa Star Cinema at may mga endorsement pa, sabi mismo ni Allan.

“Saka, I was with her two Sundays ago, may monthly period siya. Thank you Reg, pero I’ll inform Jessy din na may balitang ganyan para alam niya,” sey ni Allan.

At nagpasalamat din kami sa handler ni Jessy dahil always accommodating kapag may mga bine-verify kaming isyu sa mga hawak niyang artista.

Hayan, klaro, hindi buntis si Jessy Mendiola.

Ewan ko lang si Beauty Gonzales na hanggang ngayon yata ay hindi pa rin daw inaamin pero may mga litratong kuha na medyo malaki na ang belly. (Reggee Bonoan)