Coleen, umaasang hindi siya malilinya sa sexy roles

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Coleen copy copy

NAKAUSAP namin si Coleen Garcia pagkatapos ng presscon proper para sa book two ng Pasion de Amor at napakaganda ng ganting ngiti nang batiin namin ang blockbuster movie nila ni Derek Ramsay na Ex With Benefits (Star Cinema at Viva Films).

Ano ang pakiramdam na isang box office actress?

“Masarap ang feeling bilang first starring role, ngayon ko lang din naramdaman ‘yung grabe na fulfillment kasi pinaghirapan namin nang todo ‘yung work namin ‘tapos the movie is doing well, so grabe ‘yung sense of fulfillment ko ngayon.

And it’s on second week na and I don’t know kung nakakamagkano na, no idea,” masayang sagot ng TV host/actress.

Narinig niyang may plano ang Star Cinema para bigyan siya ng follow-up movie at wish niyang hindi na muna sexy ang papel niya, pero baka ito na ang aabangan ng moviegoers sa kanya.

“Sana hindi, para at least I could try different things.

The thing about this is I want to try different things, I want to keep experimenting, I want challenging (roles) kaysa sa pare-pareho lang, baka ma-limit ako sa role na ganu’n.

I wanna be able to try different things, kahit paano nago-grow naman ako,” pahayag ni Coleen.

May nagtanong kung siya na nga ba ang susunod sa mga yapak ni Anne Curtis.

“Nakaka-pressure naman ‘yun, if you know Anne, she achieved so much and anybody in my generation is really so far, far away from her, iba si Anne, eh.

Ibang-iba si Anne, siguro as an actress, mas maraming sumunod sa kanya, pero as a person, as an artist, ibang-iba siya, parang doon ninyo makikita na isang kagaya niya ang makakapuno ng Araneta (Coliseum) ng dalawang beses.

I don’t think there will be another Anne Curtis,” katwiran ng dalaga.

Samantala, hindi na nila pinag-uusapan ni Billy Crawford ang daring scenes niya sa Ex With Benefits simula nang mapanood ito ng boyfriend niya sa premiere night.

“Hindi na, basta ayaw lang niyang ma-limit ako sa isang role, and that’s what I also want for myself.

Basta puro lang congratulations, I’m proud of you, puro ganu’n na lang, puro positive.

And also, he trusts me naman, hindi naman ako ‘yung nagpapaalam, sinasabi ko lang sa kanya, he really trust what I decide for myself,” kuwento ng dalaga. (Reggee Bonoan)