Baby Maria, kamukha ni Dingdong at kuha ang korte ng ilong ni Marian

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

alden at marian copy

KAPANSIN-PANSIN ang biglang paglaki ng tummy Marian Rivera last Sunday sa segment nila ng “Kantaririt” sa comedy-variety show na Sunday Pinasaya dahil medyo fitting ang suot niya dahil sa opening spiels nila ni Alden Richards sa show, hindi naman ganoon kalaki dahil maluwag ang suot niya.

Naipaliwanag ito kinagabihan nang mag-guest ang magandang buntis sa Kapuso Mo, Jessica Soho nang mapag-usapan nila ng mahusay na brodkaster ang tungkol sa nalalapit niyang panganganak sa November.

Si Jessica Soho at ang kanyang show ay naging bahagi na ng pag-iibigan nina Dingdong Dantes at Marian maging noong simula pa lang. 

Kaya naman every now and then, may updates si Jessica sa mga pangyayari kay Marian. 

Isa sa ipinakita ni Marian kay Jessica ang 4D ultra sound ni Baby Maria. Sino ang kamukha ng baby?

“Ahead po ng isang linggo ang laki ng baby namin,” sagot ni Marian nang tanungin kung bakit parang biglang lumaki ang tiyan niya ngayong nasa pitong buwan na siya ng pregnancy. 

“Sabi rin ng OB Gyne ko, matangkad daw ang magiging baby namin at kahit kamukha ko ang ilong niya, mas kamukha naman daw siya ni Dong. 

Sa akin naman, kahit sino ang kamukha niya, ang gusto ko lamang maging malusog siya.”

Naniniwala at tumatalima ba si Marian ayon sa mga pamahiin since lumaki siya sa probinsiya at sa kanyang lola?

“Opo. Like kung mag-crave ako ng pagkain, bawal daw akong kumain ng talong (eggplant) dahil magkakaroon daw ng spot na green ang skin ng baby pero mawawala din daw iyon, saka ng crabs. 

Wala naman akong pinaglihiang ganoon, maliban sa white candies na white rabbit at haw haw at si Dingdong,” natatawang kuwento ni Marian.  

“Si Mama at si Lola, parang sila ang buntis, lagi akong kinukumusta at dinadalaw at lagi silang may dalang malunggay para sa soup at food ko. 

Masaya ako dahil bihira raw na magkaroon ng four generations sa isang family. 

Ako buo, from Lola, to Mama, sa akin at si Baby Maria. Lola is already 87 years old at malakas pa rin siya, mas malakas pa nga siya sa akin.”

Paano aalagaan ni Marian ang magiging baby niya?

“Magiging hands-on mother ako. 

Kukuha pa rin kami ni Dong ng yaya pero standby lang siya, ako pa rin ang mag-aalaga kay Baby Maria, gusto naming ipadama sa kanya ang pagmamahal naming mag-asawa.”

Naitanong ni Jessica kung halimbawang magbuntis siya muli ay tumaba at umitim ang mga kili-kili niya, hindi ba siya magwu-worry?

“Okey lang po, kahit tumaba at umitim ang kili-kili ko, alam ko namang mahal na mahal ako ng asawa ko at ipinararamdam niya iyon sa akin araw-araw.”

Bago natapos ang interview ni Jessica, sinorpresa niya si Marian ng video greetings ng ama niyang si Papa Fran Gracia Alonso from Spain, na nagsabing excited na itong makita ang unang apo. 

Ayon kay Marian, sinabi nga ng ama na babalik ito ng Pilipinas kapag nagsilang na siya ng kanyang first baby.
(NORA CALDERON)