Kathryn Bernardo, ‘di nahintay para makasali sa ‘Felix Manalo’ movie

Filed under Features Balita RSS RSS Feed

Kathryn-Bernardo-copy

KINONSIDERA pala si Kathryn Bernardo para gumanap sa pelikulang Felix Manalo ng Viva Films dahil miyembro siya ng Iglesia ni Cristo pero hindi na siya nahintay ni Direk Joel Lamangan.

“Na-consider po talaga siya,” sabi ni Direk Joel, “pero hindi umubra ang schedules niya sa aking shooting, mas importante pong ituloy ang shooting kaysa maghintay ako ng tatlong buwan kay Kathryn Bernardo.

“Kaya amin pong pinush-through, pero mayroon naman kaming mga kabataang kasama tulad ni Ruru Madrid (miyembro rin ng INC). Hindi na po namin nahintay kasi napaka-busy po ni Kathryn (sa taping ng Pangako Sa ‘Yo).”

Kami ang nanghinayang para kay Kathryn na hindi siya napasama sa Felix Manalo movie dahil minsan lang itong mangyayari sa kasaysayan ng Iglesia ni Cristo.

Naitanong din kay Direk Joel, na certified Noranian, kung bakit hindi niya isinama sa pelikula si Nora Aunor.

“Eh, wala naman po akong ibibigay na meaty na role para sa kanya, nakakahiya kasi kung isa, dalawa o tatlong araw lang siyang magso-shooting sa estado niya,” sagot ni Direk Joel.

Sa October 7 ang playdate ng Felix Manalo, mapapanood sa mga sinehan nationwide at magkakaroon ng advance screening sa Oktubre 4 sa Philippine Sports Arena sa Bocaue, Bulacan. (Reggee Bonoan)