Enchong, Rayver at Sam, bagay na anghel sa ‘Nathaniel’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ENCHONG-Dee

GANDANG -GANDA kami sa teaser para sa nalalapit na pagtatapos ng Nathaniel dahil special guests sina Enchong Dee, Rayver Cruz at Sam Milby na gaganap bilang mga anghel na sakto sa naturang papel nila dahil tunay ang kabaitan nila at may mabubuti silang puso sa personal na buhay.

Yes, Bossing DMB, bumaba sa lupa ang tatlong naguguwapuhang anghel para sunduin si Nathaniel na natapos nang gawin ang kanyang misyon na mapabait si AVL (Coney Reyes) na umamin na sa lahat ng mga kasalanan niya.

Sina Paul (Gerald Anderson), Martha (Isabel Daza), Aaron (David Chua) at Gustavo (Baron Geisler) na lang ang patitinuin ni Nathaniel ngayong buong linggo. 

Samantala, maganda ang chemistry ng tatlong guwapong anghel na sina Enchong, Rayver at Sam kaya puwede silang bigyan ng project na magkakasama. (Reggee Bonoan)