Nag-video sa naliligong dalaga, kalaboso

Filed under Nacional / Metro Balita RSS RSS Feed

Swak sa kulungan ang isang lalaki na nanilip umano sa isang magandang promo girl at kinunan pa umano ito ng video habang hubo’t hubad na naliligo ang huli sa banyo sa Caloocan City, nitong Huwebes ng umaga.

Bukod sa kasong unjust vexation, sinampahan din ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 si Mark Louie Manuel, 20, ng No. 7 P. Galauran Street, Barangay 56, 7th Avenue, matapos makumpiskahan ng ice pick.

Kuwento ng 24-anyos na biktima, dakong 7:00 ng umaga nang pumasok siya sa banyo para maligo hanggang sa marinig niya ang tunog ng cell phone sa kabilang dingding hanggang makumpirma niya umano na sinisilipan at ibini-video siya ni Manuel gamit ang cell phone.

Nagsisigaw ang dalaga na nakatawag-pansin sa mga barangay tanod na sina Rodolfo Lunca at Jefferson Harn, kaya naaresto ang suspek.

Narekober sa suspek ang cell phone nito at agad na binura mula roon ang litrato ng hubo’t hubad na biktima. – Orly L. Barcala