Xian Lim, kasali sa pelikulang gagawin nina Vilma at Angel

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Xian, Gov. Vilma at Angel

FINALLY, magkakasama na sa pelikula ang soon-to-be magbiyenan na sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Angel Locsin na ididirek ni Joyce Bernal.

Ginanap ang storycon kahapon sa ABS-CBN at kasama si Xian Lim sa pelikula bagamat wala pang announcement ang Star Cinema kung siya ang magiging leading man ni Angel Locsin.

Nagtanong kami sa kakilala naming Star Cinema insider kung ito na ‘yung Darna movie na balitang pagsasamahan ng dalawang importanteng babae sa buhay ni Luis Manzano, pero sinagot kami ng hindi.

Matatandaan na kasama si Luis sa inalok na makasama nina Ate Vi at Angel sa project ng nasabing movie outfit. Tumanggi si Luis na ang sinabing dahilan ay ayaw niyang mapaglaruan sa promo ang personal nilang buhay.

May espekulasyon ang mga katoto kahapon na ibinigay kay Xian ang naturang role. –Reggee Bonoan