Angel at Luis, hinahanapan na ng apo ni Vilma

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Luis at Angel

HINDI na raw bumabata si Batangas Gov. Vilma Santos kaya kinukulit na niya sina Angel Locsin at Luis Manzano na gustung-gusto niyang mag-alaga ng apo.

Aminado si Angel Locsin na lagi nga raw itong sinasabi ni Ate Vi sa kanila ni Luis. Tuwing nagkikita sila ay ito raw ang madalas na ikinukulit sa kanila ni Ate Vi.

“Actually lagi niya nga kaming kinukulit. Pero hindi naman niya kami pini-pressure,” natatawang banggit ni Angel.

Hindi raw si Ate Vi ang tipo ng ina na nakikialam sa buhay ng mga anak.

“Si Tita Vi naman, eh, nararamdaman ko ‘yung pagiging honest talaga niya. She is very very honest pero alam niya na may mga priorities pa rin naman kami ni Luis, but still, nagpapasalamat kami sa kanya dahil sa sobrang ibinigay niyang support sa amin,” sey pa ng aktres.

Ano ang masasabi ni Angel sa balitang kinakausap na ni Luis ang ilang kaibigan nila para sa gagawing proposal sa kanya?

“Sa totoo lang, kilala n’yo naman ang taong ‘yan pero sabi pa rin naman niya na kailangan pa niyang mag-ipon nang mag-ipon. Pero masaya naman kaming pareho, so kung matuloy man o hindi ang plano niyang ‘yun, eh, hindi naman big deal pa ‘yun.

“Kumbaga, hindi ‘yun isyu sa akin dahil alam ko na siya naman ang gusto kong makasama, di ba? Basta masaya ako na kami at masaya rin naman ako kung anong meron kami, okay na sa akin ‘yun at ganu’n din naman sa kanya,” paliwanag sa amin ni Angel.