Concert ni Vice Ganda,  siguradong jampacked uli

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

VICE Ganda

SABIK ang fans ni Vice Ganda na muli siyang mapanood sa solo concert.

Matibay na patunay ang 23,766 likes (as of 1:00 PM, February 28) sa kanyang Instagram account nang i-post ang poster sa kanyang Vice Gandang-Ganda Sa Sarili… Sa Araneta E Di Wow!  concert.

Sa May 22 nakatakdang ganapin ang VGGSS concert sa Smart Araneta Coliseum at kasabay ng maraming likes ang pagtatanong kung maaari nang makabili ang tiket. Iyong iba, mag-iipon pa lang nang pambibili ng tiket.

Nakakatuwa rin na may fans si Vice Ganda sa abroad na uuwi ng Pilipinas just to watch him performing live onstage.

Hindi pa in-announce kung sino ang guests sa concert, may nagre-request na i-guest sina Karylle at  Alex Gonzaga.

Hintayin natin kung kasama ang dalawa sa magiging guests sa VGGSS concert na ngayon pa lang ay hinuhulaan nang magiging jampacked uli. –Nitz Miralles