Vilma-Angel movie, ididirehe ni Bb. Joyce Bernal

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Vilma-at-Angel-copy

NALAMAN namin mula mismo kay Batangas Gov. Vilma Santos na si Bb. Joyce Bernal ang magiging direktor niya sa gagawin niyang pelikula with Angel Locsin under Star Cinema. Plantsado na raw ang lahat pati ang mga araw ng shooting niya ay naayos na.

Ito ang first time nilang pagsasama ni Bb. Joyce bilang direktor and aktres kaya excited ang Star for All Seasons. Marami na raw kasi siyang nabalitaan sa estilo ni Direk Joyce sa pagdidirek kaya looking forward siya sa shooting nila.

Sa Marso, bago raw mag-Holy week ay first shooting day na nila. Pero sa susunod na linggo ay nakatakda na silang mag-usap ni Bb. Joyce para sa gagawin nilang atake sa magiging papel nila ni Angel Locsin sa movie.

Naiiba na naman daw ang papel niya sa pelikulang ito pero ayaw muna niyang ikuwento sa amin.

“Basta si Angel ang gaganap na caregiver ko sa movie,” matipid na kuwento niya sa roles nila.

Maraming dramatic scenes sa movie nila pero gagawin daw nilang light lang ang dating pero markado pa rin. Siyempre, ‘yun naman kasi ang hinihingi sa kanya ng Vilmanians, huh!

Last movie ni Ate Vi ang first ever indie movie niyang Ekstra, at this time ay humingi uli siya ng permiso sa constituents niya para sa muling humarap sa mga kamera.

Samantala, isa sa finalists sa New York International TV and Film Awards ang Ekstra at nakatanggap din siya ng balita na nominated siya sa Ireland International Film Festival bilang best actress at isa pang filmfest sa Europe din.