Diego Loyzaga, bagong ka-love triangle nina Enrique at Liza

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Liza aT Diego

WALANG kaduda-duda na hindi na binibitawan ng televiewers ang paganda nang pagandang kuwento ng romantic drama series ng ABS-CBN na Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Katunayan, ito ang mostly viewed na TV program sa buong bansa nitong nakaraang Lunes (Pebrero 9).

Ayon sa resulta ng survey ng Kantar Media, humataw ng national TV rating na 28.7% ang “Forevermore Something New” episode na naging trending topic rin sa Twitter dahil sa mga nakagugulat na pagbabago sa buhay ni Agnes (Liza) dalawang taon matapos ang malungkot na paghihiwalay nila ni Xander (Enrique). Lumamang ng 15 puntos ang Forevermore sa katapat nitong teleserye sa GMA na Once Upon A Kiss (14.1%).

Nakatutok ang mga manonood habang patuloy ang buhay ni Agnes bilang estudyante sa Maynila. Makikilala niya ang kaeskuwelang si Jay (Diego Loyzaga) na inaabangan kung magbibigay ng pagbabago sa kanyang bagong buhay. Makatutulong ba si Jay sa pag-move on ni Agnes mula sa malungkot na nakaraan nila ng kanyang first love na si Xander?

Excited ang loyal viewers ng Forevermore kung ano ang gagawin ni Agnes sa sandaling magkrus uli ang landas nila ni Xander. Handa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pag-iibigan?

Sa amin, hindi pinapalampas ang Forevermore gabi-gabi pagkatapos ng Dream Dad na kinaaaliwan din sa ABS-CBN Primetime Bida. Maaari ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Forevermore gamit ang ABS-CBNmobile.