Bomba, nahukay sa munisipyo

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

STO. TOMAS, Batangas – Idineklara nang ligtas ang Sto. Tomas Municipal Hall matapos makuha ang isang pampasabog na natagpuan sa hinuhukay na kanal noong Sabado.

Nasa kostudiya ng Regional Bomb Squad-Batangas Team ang isang 37mm HE explosive na nahukay ni Ian Manalo, 31 anyos, construction worker.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Joel Basas, dakong 3:50 ng hapon nang matagpuan ng grupo ni Manalo ang pampasabog mula sa hinuhukay na kanal sa likod ng munisipyo sa Barangay Poblacion.