Luis, tatakbo para mayor o para gobernador?

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Luis Manzano

KINUMPIRMA ng isang taong malapit kay Luis Manzano na nakabili na ang aktor ng kanyang sariling bahay at lupa sa Lipa City, Batangas. Kaya hindi na ang inang si Gov. Vilma Santos at si Sen. Ralph Recto lang ang may mga ari-arian sa Batangas ngayon kundi pati na rin si Luis.

Kuwento ng aming source, nabili na ni Luis ang nasabing ari-arian bago pa man lumabas ang isyu na tatakbo para mayor ng Lipa ang panganay na anak ng Star for All Seasons.

Ayaw magkomento ng source kung ang pagkaroon ng ari-arian ni Luis sa Batangas ay bahagi ng paghahanda nito para sa pagpasok sa pulitika.

“Marami na rin namang mga taga-Lipa ang nakakaalam na may sariling bahay na si Luis dito sa Batangas,” kuwento ng source na binanggit ding almost sure nang papasukin ni Luis ang mundo ng pulitika.

Hindi pa nga lang daw niya matiyak sa ngayon kung sa Lipa tatakbo si luis o sa probinsiya ng Batangas.

“May mga supporter kasi ang mga Recto na gusto nila na si Luis ang pumalit sa posisyon na iiwanan ni Gov. Vi. Hinihiling naman ng mga taga-Lipa na bumalik si Gov. Vi sa Lipa,” sey pa rin ng source namin.