Zanjoe, masuwerte kapag bata ang kasama sa serye

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

SINUSUWERTE si Zanjoe Marudo kapag bata ang kasama niya sa teleserye dahil parating hataw sa ratings game katulad nitong Dream Dad kasama ang bagong tuklas ng ABS-CBN na si Jana Agoncillo na mas kilala ng viewers bilang si Baby.

PHOTO-Zanjoe-MarudoSinuwerte rin si Zanjoe sa Annaliza kasama si Andrea Brillantes na itinakdang patakbuhin sa isang season lang pero na-extend ito na umabot ng sampung buwan, Mayo 27, 2013 – March 21, 2014.

Tatay ang papel ni Zanjoe sa Annaliza at huwarang ama naman ni Baby sa Dream Dad kaya patok na naman sa televiewers. Bukod pa sa may kasabihan na kapag bata ang bida sa soap drama ay siguradong papatok. Totoo ba ito, Bossing DMB?

(Hindi po, marami na ring serye na hindi gaanong pumatok kahit mga bata ang bida. –DMB)

Anyway, nakopo ng Dream Dad ang ratings game simula Disyembre 19-24 at pumangalawa naman ang Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano. Ang Maalaala Mo Kaya at The Voice of the Philippines naman ang nanguna sa weekends.

In fairness, nakaka-good vibes kasi ang panonood sa Dream Dad lalo na si Baby na super-cute at hindi nakakasawang panoorin.