SSC, binokya ng AU

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Winalis ng top seed Arellano University (AU) ang nakatunggaling San Sebastian College (SSC), 25-18, 25-19, 25-21, upang manatiling malinis ang kanilang imahe sa pagbubukas kahapon ng semifinal round ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagposte ng tig-14 puntos sina Menchie Tubiera at CJ Rosario para pangunahan ang nasabing panalo ng Lady Chiefs (10-0).

Nakauna pa ang Lady Stags sa third set at nakalamang hanggang sa 16-11, ngunit unti-unti silang nahabol ng Lady Chiefs hanggang sa maagaw ang kalamangan, 19-18.

Mula doon, hindi na silang muling lumingon para tuluyang mawalis ang laro.

Tinapos ni Dana Henson ang laban sa pamamagitan ng isang baseline hit kasunod ng huling puntos ng Lady Stags mula sa isang kill ni Gretchel Soltones na halos ma-isang binalikat ang laban para sa koponan sa kanyang isinalansan na 15 puntos.