P1B na target ng MMFF 2014, kaya pang abutin

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

Vice-Ganda

SA live telecast ng KrisTV kahapon, masayang ibinalita ni Kris Aquino na malapit nang umabot sa P400M ang kinikita ng The Amazing Praybeyt Benjamin at  P218M naman ang box office take ng Feng Shui 2.

As of January 6, after 14 days of  showing , P397,332,625.00 na ang kinikita ng Praybeyt Benjamin at P218M plus naman ang Feng Shui 2.

Ang kabuuang kita ng lahat ng Metro Manila Film Festival 2014 entries ay P949M plus na at maaaring makaabot pa sa P1B na target ni MMDA/MMFF Chairman Francis Tolentino.

Ani Vice, marahil ay ang success ng Praybeyt Benjamin ay sukli rin ng kanyang pagluluksa sa pagyao ng kanyang Lolo Gonzalo bago mag-Bagong Taon.

“Kaya may dahilan para magsaya,” ani Vice sa tagumpay ng kanilang movie.

Ipinaalala  rin ni Vice na hindi nila ipinangangalandakan na ang kanyang Praybeyt Benjamin ang pinakamatinong pelikula ng taon.

“Andito kami para magpatawa, hindi naman namin sinasabing pang-Oscars ang The Amazing…”  sey ni Vice.