Vilma at buong pamilya, nagbabakasyon grande

Filed under Uncategorized Balita RSS RSS Feed

Vilma-Santos_JIMI

NAGBABAKASYON grande sa isang lugar na hindi binanggit ang pamilya nina Batangas Gov. Vilma Santos at Sen. Ralph Recto.

Magkakasama ang buong pamilya ni Ate Vi nu’ng Pasko. Kuwento niya sa amin, nag-dinner lang silang buong magpapamilya pero halos mag-uumaga na nang matapos ang kuwentuhan nila.

Out of town ang buong pamilya nila at malamang daw na doon na rin nila ipagdiwang ang Bagong Taon. Pero kinailangang bumalik ang gobernadora sa Manila para sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na isa siya sa principal sponsors.

Pero pagkatapos niyang dumalo sa kasalan ay babalik siya muli para magkakasama silang lahat sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Dagdag pa ni Gov. Vi, pagpasok ng January ay tuluy-tuloy na naman ang trabaho niya sa mga sisimulan at tinatapos niyang proyekto sa Batangas.

“Matatapos na ang term ko by 2016. Gusto kong iwan ang Batangas na proud naman silang lahat sa akin,” sey pa ni Ate Vi.

Magiging punong abala rin siya sa preparasyon ng kaarawan ng asawang si Sen. Ralph Recto sa January 11.

“Back to work but will prepare Ralph’s birthday—Jan. 11 and Mama’s birthday too on Jan. 18,” sey pa rin paboritong aktres.

Samantala, tuloy na rin sa 2015 pagsasama nina Ate Vi and Angel Locsin sa pelikula.

“Looking forward na makagawa naman ako kahit isang movie lang! ko na talaga,” sey pa niya.

Ano ang plano niya para sa elections?

“Well, kagaya ng lagi kong sinasabi, wala akong political ambition, iniwan ko na sa Itaas ang anumang mangyayari. Sa ngayon, konsentrasyon ko, eh, ‘yung natitirang mga buwan ko bilang gobernador,” sagot pa rin ni Gov. Vi.

Tuwang-tuwa siya sa ipinadalang mensahe sa kanya ni Mother Monteverde. Nagpasalamat kasi Regal Entertainment producer sa ginawang endorsement niya pelikulang Shake, Rattle & Roll XV.

Nanawagan na rin si Ate Vi sa kanyang milyong Vilmanians na suportahan naturang pelikula, huh!